MANILA, Philippines – Inungusan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang iba pang presidential candidates upang manguna sa survey ng Pulse Asia.
Nakakuha si Duterte ng 34 percent mula sa mga residente ng Metro Manila, mas mataas sa 27 percent niya noong Setyebre.
Pumangalawa na lamang si Sen. Grace Poe sa 26 percent, habang pangatlo si Bise Presidente Jejomar Binay na may 22 percent.
Nasa pang-apat at panlimang pwesto naman si Liberal Party standard bearer Manuel "Mar" Roxas II at Sen. Miriam Defensor Santiago na may 11 at 7 percent ayon sa pagkakasunod.
Samantala, ang running mate naman ni Poe, si Sen. Chiz Escudero ang nasa tuktok ng vice presidential survey na may 32 prcent, habang 24 percent si Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Isinagawa ang survey nitong Nobyembre 11 at 12 sa 300 residente ng Metro Manila.