Mabuhay lanes gawing permanente
MANILA, Philippines – Hiniling ni Nationalist Peoples Coalition (NPC) Rep. Win Gatchalian sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na gawing permanente ang Mabuhay Lanes hindi lamang sa panahon ng APEC at Christmas season.
Pinuri ni Valenzuela Rep. Gatchalian si MMDA Chairman Emerson Carlos sa pagiging epektibo nito sa paglilinis sa mga obstruction at illegal-parked vehicles sa Mabuhay lanes bilang alternatibong ruta nitong APEC at tuwing Christmas season.
“Car owners should not make public streets their own parking space. If they are capable of buying a vehicle, then they should also have the same capacity to obtain a personal garage,” wika ni Rep. Gatchalian na principal author ng House Bill 5098 o Proof of Parking Space Act.
Iniulat ng MMDA na mahigit 100 motorista ang pinagmulta dahil sa illegal parking, obstruction at disregarding traffic signs sa Mabuhay lanes habang nasa 30 sasakyan ang kanilang na-towing at dinala sa impounding area sa Pasig City.
Bukod sa mga sasakyan ay nilinis din ng MMDA ang mga basketball posts, food stalls, billboard at maging ang kulungan ng mga hayop na nasa kalsada sa tulong ng PNP-HPG, DPWH, DILG, LTO at local government units.
Napag-alaman pa ni Gatchalian, kandidatong senador ng NPC sa 2016, na ang Mabuhay lanes ay libre lamang sa parked vehicles at iba pang obstruction mula 6 a.m hanggang 9 p.m. at ipapatupad lamang ito hanggang Enero 2.
“This could mean a return to anarchy in the streets once the Christmas season is over. I strongly suggest that the MMDA permanently make these Mabuhay Lanes free from illegally-parked vehicles 24 hours day, 7 days a week,” wika pa ng mambabatas mula sa Valenzuela City.
Ang isinusulong na Proof of Parking Space Act ni Gatchalian ay magpapaluwag sa mga main roads at secondary roads mula sa illegally parked vehicles na ginagawang parking lot ang mga side streets.
Suportado ng mga national agencies ang panukalang batas na ito ni Gatchalian maging si Highway Patrol Group (HPG) Director Chief Supt. Arnold Gunnacao na naniniwalang dapat mayroong nakalaang parking space ang bibili ng bagong sasakyan sa ilalim ng “no garage, no car policy’.
“A policy that will require car owners to have their own personal garage will also act as a deterrent against the rising number of carnapping incidence,” dagdag ni Gatchalian.
- Latest