Duterte, di papayag na ‘Kano’ ang presidente
MANILA, Philippines – Muling iginiit ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tatakbo ito para maging presidente sa susunod na halalan dahil naniniwala ito na hindi kwalipikado si Sen. Grace Poe na tumakbo dahil American citizen ito at hindi Pilipino.
‘‘Di ko matatanggap ang Amerikanong presidente”, diin ni Duterte.
Kahit tapos na ang paghahain ng Certificate of Candidacy sa Comelec ay puwedeng maging substitute na kandidato ng PDP Laban si Duterte, dahil may opisyal na kandidato ang PDP na puwedeng umatras.
“Puwede siyang tumakbong governor o mayor pero di presidente. Mas mabuti pang Igorot o Bagobo kasi tunay na Pilipino,” banat ni Duterte.
Ibinunyag din ni Duterte na nakiusap si Poe na maging bise presidente siya nito, bago lumabas ang resulta ng mga survey Ngunit nag-iba daw ang ihip ng hangin nung lumabas ang survey at number 1 si Poe. “At that time, may ambisyon na talaga siya. Nung lumabas ang ratings, sinabihan na lang ako na ‘Pakisabi kay mayor, tatakbo na lang daw siyang presidente,’” kuwento ni Duterte. Si dating Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo ang nagsilbing tulay sa dalawa, ngunit alam ni Duterte na itatanggi ito ni Poe. “Totoo yan, whether she denies it or not,” sabi niya.
- Latest