^

Bansa

Poe itinangging gustong maging VP ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinanggi kahapon ni Sen. Grace Poe na inalok niya ang kanyang sarili upang maging vice presidential candidate ni Davao Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon kay Poe, hindi nangyari ang sinasabi ni Duterte na ninais niyang maging running mate nito at si dating foreign affairs secretary Alberto Romulo umano ang nagsilbing tulay sa pag-uusap ng dalawa.

“Hindi nangyari yun. Hindi namin pinag-usapan at ako’y nagulat sa kanyang mga nasabi. Baka na-misinterpet,” wika ni Poe.

Pero inamin ni Poe na nagkausap sila ni Duterte sa kaniyang bahay sa Corinthian Gardens sa Quezon City dahil nagkataong kapitbahay niya ang anak ni Bert Romulo.

“Hindi po totoo iyon (inalok na maging running mate). Hindi nangyari iyon. Noong una, hindi po nakatira sa aming lugar si Sen. Romulo. Bert Romulo. Ang kanyang anak ang nandoon, dinala ko si Mayor Duterte sa ­aming bahay, dahil magkapitbahay lang kami nung isang kaibigan ko, ani Poe.

Sinabi pa ni Poe na kung siya ang may kailangan kay Duterte, hindi niya ito papupuntahin sa kanyang bahay at hindi rin siya pumupunta sa Davao noong mga panahon na nagdedesisyon ang mayor para sa kanyang pagtakbo bilang pagpapakita ng paggalang dito.

“Kung ako naman ang na­ngangailangan, bakit ko naman siya papupuntahin sa bahay ko? Hindi pa nga ako nagpupunta ng Davao magmula noong mga panahon na nagdedesisyon siya bilanng paggalang rin sa kanya. Sapagkat, ayokong sabihing mag-presidente ka o mag-vice president ka. Sariling prerogatiba iyan. Hindi po nangyari iyon, hindi namin pinag-usapan,” ani Poe.

ACIRC

ALBERTO ROMULO

ANG

BERT ROMULO

CORINTHIAN GARDENS

DAVAO

DAVAO MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

GRACE POE

HINDI

MAYOR DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with