Bagyong ‘Marilyn’ patuloy ang paghina
MANILA, Philippines – Humina pa ang bagyong “Marilyn” habang papalapit ito sa lalawigan ng Aurora, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 1,095 kilometro silangan ng Baler, Aurora kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay ng pang-11 bagyo ngayong taon ang lakas na 150 kimometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 185 kph.
Mabagal ang paggalaw ni Marilyn pa-hilaga kanluran sa bilis na 13 kph.
Nauna nang sinabi ng PAGASA na walang direktang epekto ang bagyo sa bansa at hindi rin ito tatama sa kalupaan.
Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo sa Miyerkules o Huwebes.
- Latest