MANILA, Philippines – Lalo pang lumakas ang bagyong may international name na In-Fa na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR). Tatawagin itong “Marilyn” na magiging ika-13 bagyo sa Pilipinas sa taong ito kapag tuluyang pumasok sa bansa. Huling namataan ang bagyo sa layong 1,280 km silangan ng Catanduanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na 175 kph at may pagbugsong 210 kph. Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph. Ngayong Lunes ng umaga, inaasahang nasa loob na ng PAR ang bagyo.