^

Bansa

APEC tagumpay, trapik sablay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkadismaya ang mara­ming netizens kabilang si Vice Pres. Jejomar Binay sa umano’y kawalan ng kahandaan ng pamaha­laan sa pagharap ng sit­wasyon sa trapiko sa Metro Manila sa naganap na isang linggong summit ng Asia-Pacific Economic Cooperation bagaman makikinabang ang Pilipinas sa pagdaraos sa bansa ng pulong na ito.

“Nakatutuwa at nagkaroon tayo ng APEC meeting dito. Ang nakakalungkot nga lamang ay mukhang hindi masyadong tama ang pagkakahanda dahil sa nariyan iyong may nanganak sa kalye dahil sa traffic. Abot-abot ang naging problema dahil sa traffic,” puna ni Binay.

Gayunman, idiniin ng Bise Presidente ang kahalagahan ng pagiging punong-abala sa pulong ng APEC dahil ang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa mga miyembrong bansa ng APEC ay bumubuo sa 89 porsiyento ng kabuuang kalakalan sa bansa.

“Ang APEC ay kasama sa pagiging miyembro natin ng international community. So natutuwa naman ako na dito naganap ang APEC meeting,” dagdag ni Binay na naitalagang sumalubong sa iba’t-ibang head of state na dumalo sa pulong ng APEC. Dumalo rin siya sa APEC Economic Leaders’ welcome dinner na nagtampok anya sa galing ng mga Pilipino.

“At the end of the meeting maibibigay naman sa inyo kung ano ang napala natin, ano ang napag-usapan, ano ang napag-pirmahan. May napala naman,” wika niya.

ACIRC

ANG

APEC

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

BINAY

BISE PRESIDENTE

ECONOMIC LEADERS

JEJOMAR BINAY

METRO MANILA

PILIPINAS

VICE PRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with