^

Bansa

Bagyo papasok sa PAR ngayong gabi

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Papasok ngayong gabi sa Philippine area of responsibi­lity (PAR) ang namataang bagyo na may international name na “In-Fa” kapag hindi nagbago ang direksyon nito.

Ayon kay Ben Oris weather observer ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) namataan ang bagyo sa layong 1,810 kilometro ng silangan ng Samar dakong alas-10:00 ng umaga kahapon.

May lakas ito ng ha­ngin na 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna at bugso ng hangin na aabot sa 210 kilometro bawat oras.

Sinabi ni Oris na ka­pag hindi nagbago ng direksyon ang naturang bagyo papasok ito sa PAR ngayong gabi (Linggo) o bukas ng umaga  (Lunes) Nobyembro 23, 2015.

Kumikilos ang natu­rang bagyo sa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.

Nabatid sa PAGASA kapag nakapasok na sa PAR ang naturang bagyo tatawagin itong Marilyn.

Inaasahan bukas ng umaga ang naturang bag­yo ay nasa layong 1,395 kilometro ng silangan ng Catanduanes.

Bagamat lumakas ang bagyong “In-Fa” sinabi ng Pagasa na hindi pa naman ito magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

ACIRC

ANG

AYON

BAGAMAT

BEN ORIS

CATANDUANES

IN-FA

INAASAHAN

KUMIKILOS

LINGGO

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICE ADMINISTRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with