Quezon City host ng National Volunteer Month sa Dis.
MANILA, Philippines – Ang QC government ang host ng taunang selebrasyon ng National Volunteer Month (NVM) ngayong taon na gaganapin sa Quezon Memorial Circle sa Disyembre 5.
Ngayon pa lamang ay inaasahan na ni QC Mayor Herbert Bautista na dadalo ang libu-libong volunteers mula sa barangays, academe, pribadong sektor, government at non-government organizations sa nabanggit na pagdiriwang.
Ang NVM 2015 ay bahagi pa rin ng pandaigdigang paggunita sa International Volunteers day na naglalayong hikayatin ang taumbayan na mag-alay ng kanilang serbisyo nang walang hinihinging kapalit.
Katuwang dito ng lokal na pamahalaan ng QC ang International Association for Volunteer Effort - Philippines.
Maaga pa lamang sa Disyembre 5 ay sisimulan na ang selebrasyon sa pamamagitan ng zumba dance na gaganapin ng alas-5 ng umaga sa Charito Planas garden sa loob ng QC Circle.
Tampok din ang nakatakdang “grand salu-salo” at malawakang pagtatanim ng mga puno ng ibat-ibang volunteer group sa loob mismo ng qc circle.
Bukod pa ito sa gagawing pag-iikot sa mga makasaysayang lugar sa loob ng QC circle kabilang na ang bagong bukas na QC museum.
- Latest