^

Bansa

P10B gastos sa APEC, naapektuhang negosyo mababawi sa paglago ng ekonomiya – Palasyo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —Matapos pagdaraos ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa bansa, tiniyak ng Malacañang ngayong Biyernes na makikinabang sa hinaharap ang lumalagong ekonomiya.

"Looking at (the) big picture, losses incurred this week will be recovered eventually in terms of continuing and sustained growth and development of the Philippine economy as a favored investment and tourism destination,"  pahayag ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Halos P10 bilyon ang ginastos ng gobyerno para sa pag-host ng APEC buong taon na ginanap sa Metro Manila, Cebu, Pampanga, Iloilo, Tagaytay at Boracay Island.

Sa kabila nito ay maraming residente ng Metro Manila at mga karatig na lalawigan ang naapektuhan dahil sa pagsasara ng ilang mga kalsada.

Nauwi sa matinding pagbigat ng daloy ng trapiko ang ilan, habang ang ibang kalsada at establisyamento ay isinara bilang bahagi ng pagtitiyak ng seguridad ng iba’t ibang pinuno ng bansa.

Samantala, sinabi ni Finance Secretary Cesar Purisima na malaki ang naitulong ng APEC sa bansa dahil tumibay ang economic and trade relationships sa bawat miyembro.

"The beauty of APEC is it gives us voice in important fora," banggit ni Purisima.

vuukle comment

ANG

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

ATILDE

BIYERNES

BORACAY ISLAND

CEBU

FINANCE SECRETARY CESAR PURISIMA

ILOILO

MALACA

METRO MANILA

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with