MANILA, Philippines — Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang bagyo sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) na maaaring pumasok sa susunod na linggo.
Huling namataan ng state weather bureau ang bagyong may international name na “In-Fa” sa layong 2,620 kilometro silangan ng Mindanao kaninang alas-2 ng madaling araw.
Taglay ng bagyo ang lakas na 105 kilometers per hour at bugsong aabot sa 135 kph, habang gumagalaw sa pa-kanluran hilaga-kanluran sa 20 kph.
Pangangalanang “Marilyn” ang bagyo kapag tuluyan nang pumasok sa PAR.
Sinabi pa ng PAGASA na maliit ang tsansang tumama sa kalupaan si In-Fa, ngunit asahan ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.