Colombian pres. kuntento sa hosting ng Pinas sa APEC

MANILA, Philippines – Hinangaan ni Colombian Pres. Juan Manuel Santos ang pag-host ng Pilipinas ng APEC 2015.

Ayon kay Santos, bagama’t hindi pa sila miyembro ng APEC, impresibo ang nakita nilang paghahanda ng Pilipinas para sa aktibidad na kaakibat ng international event na ito.

Matatandaang si Pa­ngulong Aquino ang nag-imbita sa Colombian leader para maging bahagi ng naturang pagtitipon.

Hangad ng Colombian official na maging bahagi rin sila ng APEC sa mga susunod na taon.

Show comments