^

Bansa

P1B para sa small business - Cayetano

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos isama sa mga tinalakay ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) ang tungkol sa pagpapalakas ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), hinamon kahapon ni Se­nate Majority Leader Alan Peter Cayetano ang administrasyon na maglaan ng tig- P1 bilyon para sa mga maliliit na negosyo sa 18 rehiyon sa bansa.

Ayon kay Cayetano, dapat lamang na pondohan ng gobyerno kung ano ang isinusulong at sinasabi nito.

“Sa panahon ng globalisasyon, kailangan may matapang na solusyon at mabilis na aksyon para may oportunidad tangkilikin at magtagumpay ang mga lokal na negosyo at ang kanilang mga produkto,” ani Cayetano.

Naniniwala si Cayetano na dapat magsilbing oportunidad ang APEC summit upang maging katotohanan ang panawagan ng mga mamamayan na magkaroon ng totoong pag-unlad.

Aminado si Cayetano na nagkakaroon ng magandang pagbabago sa ekonomiya pero hindi naman aniya ito nararamdaman ng mga nasa rehiyon.

Ang panukala ni Cayetano ay bahagi ng kanyang “Tulong Puhunan” bill, na ihahain niya sa Senado.

Kung magiging batas, ang gobyerno ay maglaan ng P90 bilyon halaga ng pondo sa loob ng limang taon upang isulong ang pag-unlad ng lokal na negosyo sa mga rehiyon pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na suporta katulad ng access sa pautang na may mababang interes.

Isinusulong rin ni Cayetano ang “one-town, one-product” policy na kinakailangan aniyang palakasin ng gobyerno bilang tulong sa mga MSMEs.

Dapat din aniyang dagdagan ang investments sa labas ng Metro Manila upang matulungan ang mga lokal at maliliit na negosyo na kinakailangan para sa tinatawag na “inclusive growth”.

Ipinunto pa ng senador na noong 2012, ang MSMEs ay nakapagbigay ng 4,930,851 trabaho (64.97%) kumpara sa 2,658,740 ng large enterprises. Pero hindi naman aniya binibigyan ng gob­yerno ng sapat na pondo ang MSMEs.

Inihalimbawa nito ang 2014 national budget kung saan P1.64  bilyon lamang ang inilaan para sa MSMEs samantalang sa Conditional Cash Transfer (CCT) program ay P62.6 bilyon.

ACIRC

AMINADO

ANG

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

CAYETANO

CONDITIONAL CASH TRANSFER

MAJORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

METRO MANILA

MGA

SMALL AND MEDIUM ENTERPRISES

TULONG PUHUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with