Sen. Poe angat pa rin sa survey ng Pulse Asia

 Base sa latest Pulse Asia Survey na ginawa noong Oktubre 18-29 nanguna pa rin si Poe na nakakuha ng 39% approval rate, sumunod dito si Vice President Jejomar Binay. Philstar.com / Efigenio Toledo IV, file

MANILA, Philippines – Sa kabila ng patung-patong na disqualification case dahil sa isyu ng citizenship, patuloy pa ring nangunguna sa survey si Senator Grace Poe.

Base sa latest Pulse Asia Survey na ginawa noong Oktubre 18-29 nanguna pa rin si Poe na nakakuha ng 39% approval rate, sumunod dito si Vice President Jejomar Binay.

Habang pumangatlo naman si dating DILG Secretary Mar Roxas at pang apat si Senador Miriam Defensor Santiago.

Habang sa pagka Bise Presidente naman ang ka tandem ni Poe na si Sen. Chiz Escudero ang nanguna kung saan nakakuha ito ay 43% sumunod si Sen. Bongbong Marcos.

Pumangatlo naman si Se­nator Alan Peter Cayetano, pang apat si Congresswoman Leni Robredo at pang lima si Senator Antonio Trillanes IV.

Ang Pulse Asia Survey ay ginawa sa may 3,400 respondents.

Show comments