MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon si US Pres. Barack Obama sa China na dapat nang ihinto nito ang ginagawang reclamation sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Siniguro rin ni President Obama kay Pangulong Aquino na tutulong ang US government upang mapalakas ang depensa at seguridad ng Pilipinas sa gitna ng isyu sa West Philippine Sea.
Wika pa ni Obama kay PNoy matapos ang kanilang bilateral meetings kahapon ng umaga sa Hotel Sofitel, na mananatiling kaalyado ng US ang Pilipinas at handa silang tumulong dito lalo upang palakasin ang seguridad nito.
“We discussed the impact of China’s reclamation and construction activities on regional stability. We agreed on the need for bold steps to lower tensions including pledging to halt further reclamation, new construction, and militarization of disputed areas in the South China Sea,” sabi ni Obama.
Binisita ni Obama ang ibinigay ng US sa Pilipinas na coast guard cutter na barko at sinabing ang bansa ay isa sa pinakamalapit na kaalyado ng Estados Unidos sa rehiyon.
Pinaboran naman ni PNoy ang sinabi ni Obama na dapat kilalanin ng lahat ng bansa ang mga alituntunin ng “freedom of navigation”—patungkol ito ni Aquino sa gusot sa South China Sea.
“I take this opportunity to reiterate the Philippines’ view that the freedom of navigation and overflight in the South China Sea must be continuously upheld, consistent with international law,” paliwanag ni Pangulong Aquino.
“President Obama and I likewise had a discussion on maritime security, including on the maritime disputes in the region, and how international law should remain the framework for behavior of all countries and for the peaceful resolution of disputes,” dagdag niya.
Matatandaang kinatigan ng international arbitral tribunal ang reklamo ng Pilipinas laban sa China at sinabi ng korte na may karapatan itong dinggin ang ilang reklamong idinulog ng Maynila.
Samantala, sinabi naman ni Obama na kahit hindi kasali ang Amerika sa gusot sa karagatan, sinusuportahan nito ang proseso ng international arbitration para sa ikareresolba sa isyu.
Aniya, “rock solid” ang commitment ng US para sa depensa ng Pilipinas, ito’y kahit nakabinbin pa rin sa korte ng US ang usapin tungkol sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Washington at Maynila.
“With respect to Enhanced Defense Cooperation Agreement, obviously, the Philippines has to go through its process in the Supreme Court review. But we are confident that it is going to get done and we are going to be able to implement effectively the provisions and the ideas that have come forward during the course of these discussions,” wika pa ng US president.
Nakapaloob sa EDCA na papayagan ang US na magtayo ng mga istrukturang militar; mag-imbak at mag-deploy ng mga armas at mga kagamitang pangdigma; magtalaga ng mga tropa, mga tauhang sibilyan at defense contractors; magpadala at mag-deploy ng mga sasakyang panglupa, pangdagat at panghimpapawid sa loob ng 10 taon sa Pilipinas.
“The broader point is that, as a treaty ally, we have a rock solid commitment to the defense of the Philippines,” ayon kay Obama.
“And part of our goal is to continue to help our treaty partners build up capacity, to make sure that the architecture of both defense work, but also humanitarian work, and other important activities in the region are coordinated more effectively, and we think that the Enhanced Defense Cooperation Agreement is going to help us do that,” dagdag ni Obama.