^

Bansa

Suportang pang-depensa tiniyak ni Obama sa Pinas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak kahapon ni US Pres. Barack Obama na makakaasa ang Pilipinas ng suporta sakaling mangailangan ang pamahalaan ng tulong sa usaping pang-depensa.

Si Obama ay dumating na kahapon lulan ng Air Force One upang dumalo sa APEC Summit.

Binisita nito ang BRP Gregorio del Pilar ng Philippine Navy na nakadaong sa Pier 13 sa South Harbor, Manila.

Dito ay sinabi ni Obama na nananatili ang pangako ng pamahalaan ng Amerika upang bigyang proteksyon ang kalayaan sa pandaigdigang paglalayag malapit sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.

“The United States has been committed to the security of this region for more than 70 years. We have a treaty obligation, ironclad commitment to the defense of our ally the Philippines,” pahayag ni Obama.

Nasa kalahating oras lamang ang itinagal ni Obama sa loob ng BRP Gregorio del Pilar kung saan kinausap nito sina Defense Sec. Voltaire Gazmin at AFP Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri.

Tiningnan ni Obama ang pasilidad ng barko na da­ting US Coast Guard cutter na idinonasyon sa bansa at kinumusta ang mga sailors na naka-duty dito.

Sinabi ni Obama na nakatulong ang dating barko ng Amerika sa disaster response ng bansa, isyu ng counter terrorism at pagpapatrulya sa South China Sea.

Nangako rin si Obama na magbibigay ang Amerika ng dalawa pang military ships sa Pilipinas.

“This is part of our larger plan to increase maritime security assistance to our allies and our partners across the region - $250 million in the course of two years. More capable navies and partnership with the United States are critical for the security of this region,” dagdag pa ng US President.

AIR FORCE ONE

AMERIKA

ANG

BARACK OBAMA

CHIEF OF STAFF GEN

COAST GUARD

DEFENSE SEC

GREGORIO

HERNANDO IRIBERRI

OBAMA

UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with