MANILA, Philippines – Matapos ang dalawang linggong magkasunod na pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo, muling makakatikim ng panibagong price hike ang mga motorista sa darating na linggo.
Sa pagtataya ng mga oil analyst, posibleng nasa pagitan ng P.35-P.45 sentimos kada litro ang madaragdag sa gasolina; P.40-P.50 naman sa diesel; at P.45-P.50 sa kerosene.
Ayon sa Department of Energy, ang panibagong pagtataas ay dulot ng mas mababang produksyon ng langis sa Libya, Brazil at Estados Unidos habang nakaapekto rin ang pagtataas sa presyo ng ethanol sa local na merkado.
Naglalaro ngayon ang presyo ng gasolina mula P35.15- P42.40, ang diesel mula P25.03- P25.98 habang ang 11-kilo ng LPG ay P487- P682.