^

Bansa

Piskal itinalaga ng DOJ sa NAIA vs ‘tanim-bala’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagtalaga na ng piskal na hahawak sa mga kaso ng mga biktima ng ‘tanim’bala’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Justice Undersecretary at Spokesperson Emmanuel Caparas, isang piskal kada araw ang nakatalaga sa NAIA na hahawak sa lahat ng mga kaso mula Terminal 1 hanggang Terminal 4. Lahat ng mahuhulihan ng bala sa paliparan ay sasailalim pa rin sa inquest proceedings.

Pero kung sa tingin ng piskal ay mukhang inosente ang nahulihan ng bala batay sa sirkumstansya ng insidente, maaring magpasya ang piskal na palayain pansamantala ang respondent pero isasailalim ito sa full-blown preliminary investigation.

Nangangahulugan lamang na kung idedeklara na released for further investigation ang respondent, maaari siyang makahabol sa kanyang byahe dahil kailangang madaliin ang pagpapalabas ng resolusyon.

Sa ganitong pagkakataon, kailangang ipaalam sa respondent na kailangan niyang dumalo sa preliminary investigation, pero desisyon pa rin ng respondent kung siya ay lalahok sa imbestigasyon, dahil ang kaso ay maari namang desisyunan kahit walang partisipasyon ang respondent sa mga pagdinig sa piskalya.

Maaari ding ipasya ng piskal na ibasura ang  reklamo.

ANG

AYON

JUSTICE UNDERSECRETARY

LAHAT

MAAARI

NAGTALAGA

NANGANGAHULUGAN

NBSP

NINOY AQUINO INTERNATIONAL

PERO

SPOKESPERSON EMMANUEL CAPARAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with