MANILA, Philippines – Hinikayat ni Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian ang Metro Manila Dev’t Authority (MMDA) na gumawa ng kasunduan sa may-ari ng mga mall para baguhin ang oras ng operasyon ng mga ito para sa Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC meeting sa susunod na linggo.
Ayon kay Gatchalian ang mas importante ay ang koordinasyon ng MMDA sa malls para makontrol ang dami ng shoppers na dadaan sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan para masiguro ang maayos na daloy ng trapiko habang dumadalo sa APEC events ang mga delegado.
Ang pahayag ay ginawa ng mambabatas dahil na rin sa deklarasyon ng non-working holidays na umano’y tiyak na sasamantalahin naman ng mga tao para mag-malling.
Idinagdag pa nito, na maaaring hindi na magtungo sa mga probinsya ang mga tao dahil 2 araw lang naman ang holiday sa private sector bukod pa sa implementasyon ng no-fly zones.
Dapat ay dati na umanong ginawa ng MMDA ang koordinasyon sa mga mall para magkaroon ng adjustment sa kanilang operating hours para maiwasan ang road congestion.