^

Bansa

Total gun ban sa APEC

Joy Cantos at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinuspinde muna ng Philippine National Police (PNP) ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) sa Metro Manila mula Nobyembre 16-20 upang tiyakin ang seguridad sa panahon ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Sinabi ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez, na tanging ang mga nakauniporme at naka-duty na mga mi­yembro ng PNP, AFP at iba pang law enforcement agencies ang pinahihintulutang mag-uniporme at magbitbit ng mga armas.

Ang sinumang mahuhuling nagdadala ng mga armas sa panahong ipinatutupad ang total gun ban ay mahaharap sa anim na buwan at isang araw hanggang anim na taong pagkakabilanggo. Ito’y alinsunod sa Section 30 ng Republic Act 10591 o ang bagong Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Nakiusap rin ang opis­yal sa mga raliyista na maging mahinahon at huwag gumawa ng bayolenteng aktibidades upang hindi na muling maulit pa ang pananakit ng mga ito kay Chief Insp. Antonio Ananayao at isa pang pulis.

Si Ananayao ay nalagay sa peligro ang buhay matapos na kuyugin at bugbugin ng mga demons­trador noong kasagsagan ng rally sa nakaraang State of the Nation Address ni Pangulong Aquino nitong Hulyo.

Kaugnay nito, inihayag naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Chief Inspector Kimberly Molitas na nasa full alert status na ang kanilang hanay bilang paghahanda sa APEC Summit.

Sinabi ni Molitas na bantay sarado na rin ang 16 mga hotel na tutuluyan ng mga delegado at maging ang 3 venue na pagdarausan ng APEC kabilang dito ang PICC, World Trade Center at MOA arena.

Samantala, ang Presidential Security Group (PSG) ang mamamahala sa seguridad ng 21 Heads of State.

Bukod sa 18,000 pulis ay may augmentation forces rin mula sa mga Regional Office ng PNP sa Central at Southern Luzon, AFP at nasa 20 pang ahensya ng gobyerno.

Nangangahulugan ang full alert status na kanselado muna ang bakasyon at dayoff ng mga pulis sa Metro Manila.

ACIRC

ANG

ANTONIO ANANAYAO

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

CARRY FIREARMS OUTSIDE OF RESIDENCE

CHIEF DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

CHIEF INSP

COMPREHENSIVE LAW

FIREARMS AND AMMUNITION

METRO MANILA

MGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with