Binay sasalubungin ang Mexico at Chile presidents sa APEC summit

MANILA, Philippines – Si Bise Presidente Jejomar Binay ang naatasang sumalubong sa pangulo ng Mexico at Chile para sa 23rd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit na gagawin sa Maynila sa susunod na linggo.

"We have two state guests and traditionally the vice president greets the state guest so that's Chile and Mexico," pahayag ni APEC National Organizing Council Director General Marciano Paynor Jr. sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel.

Dalawa lamang sina Mexican President Enrique Peña Nieto at Chilean President Michelle Bachelet  sa mga darating na pinuno ng mga iba't ibang bansa.

Bukod kay Binay ay wala nang iba pang presidential candidate sa 2016 ang makikilahok sa APEC Economic Leaders' Meeting.

Samantala, magkakaroon din ng tungkulin ang mga kapatid ni Pangulong Benigno Aquino III na sina Ballsy Cruz, Pinky Abellada, Viel Dee at Kris Aquino.

"The presidential sisters... (will be) bringing the guests to Intramuros for them to have a feel of what the Philippines was before and how it has evolved," sabi ni Paynor.

Bukod sa mga state leaders ay kasama rin nila ang kani-kanilang mga asawa, maliban kay United States First Lady Michelle Obama.

Hindi na naman tutuloy sa bansa sina Russian President Vladimir Putin at Indonesian President Joko Widodo.

 

Show comments