MANILA, Philippines – Sa pagdating ng iba’t ibang pinuno ng bansa sa Pilipinas sa susunod na linggo, walang plano ang gobyerno na i-block ang mga signal sa Metro Manila tulad ng ginawa noong dumating ang Santo Papa nitong Enero.
“As of now there is no plan... We will continue to have our signals,” pahayag ni Ambassador Marciano Paynor Jr., director general ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) 2015 National Organizing Council.
Nilinaw naman ni Paynor na maaari itong magbago at depende ito sa kung may banta sa seguridad ng mga state leaders.
“We tweak security arrangement depending on threat assessment. When they all come together (state leaders), threat level is assumed to be highest,” dagdag ni Paynor.
Sa kabuuan ay 21 pinuno ng mga bansa ang tutungo sa Maynila mula Nobyembre 16 hanggang 20.
Ito ang pangalawang beses na gagawin ang APEC summit sa bansa.