MANILA, Philippines – Nakatakdang dinggin ng Senado sa Huwebes ang isyu ng "tanim bala" sa mga paliparan ng bansa.
Inimbitahan ng Senate committee on public service sina Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya at Manila International Airport Authority General Manager Josel Angel Honrado sa alas-10 ng umagang pagdinig.
Inaasahang dadalo rin ang ilan sa mga umano'y biktima ng "tanim bala" at ang Aviation Security Group.
”We are trying to get the NBI (National Bureau of Investigation) report if it would be ready. I would try to invite those who have been arrested but has since been released. We want their stories on record particularly the overseas Filipino workers (OFW) victims,” wika ni Sen. Sergio Osmeña III.
Naniniwala si Osmeña na mayroong sindikatong nagpapatakbo ng modus operandi sa mga paliparan, partikular sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
”I believe it has to be done by a syndicate because they are those who would plant the bullet and then later on a different person collects the money,” banggit ng senador.
Samantala, nauna nang sinabi ni Sen. Ralph Recto na kailangang pag-aralang muli ang batas sa pagdadala ng bala sa mga paliparan.
Aniya mas kailangang parusahan ang may dala ng baril kaysa sa may dala ng bala.