Dahil sa kahirapan, nangungutang na Pinoy dumarami

MANILA, Philippines - Bigo umano ang mga programa ng gobyerno para maibsan ang kagutuman at kahirapan sa bansa.

Tinukoy ni Isabela de Ba­silan Bishop Martin Jumoad ang lumalalang pangungu­tang ng mga Pilipino dahil sa kawalan ng trabaho, mapagkakakitaan at kagutuman.

Ayon sa Obispo, dahil sa kawalan ng alternatibo upang maibsan ang kagutuman ng maraming Pilipino pati pautangan ay pinapatulan na rin.

Nakikita rin ng Obispo na kulang pa rin ang trabaho at programa ng pamahalaan para sa mga mahihirap. 

Sa pag-aaral ng World Food Program (WFP) mula August 16 hanggang September 5, 2015 sa mga mahihirap na probinsya sa Pilipinas, lumalabas na 62 percent ng mga kabahayan ang nagungutang. 

Naitala naman ang Sulu na may mataas na porsyento o bilang ng mga nangungu­tang na umaabot sa mahigit 94 percent.

 

Show comments