^

Bansa

Emergency Response Department pagtibayin - Cayetano

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon si Se­nate Majority Leader Alan Peter Cayetano na posibleng maulit ang pinsalang idinulot ng super typhoon Yolanda kung hindi magsasagawa ng matinding hakbang ang gobyerno katulad ng paglikha ng Emergency Response Department (ERD).

Ayon kay Cayetano, panahon na upang magtayo ng isang departmento na ang tanging responsibilidad ay tutukan ang paghahanda, pagresponde, relief at rehabilitasyon  tuwing may kalamidad.

Naniniwala si Cayetano  na ang pagtatatag ng ERD ay makatitiyak na hindi na mauulit ang pagkasawi ng napakara­ming Pilipino tuwing may tatamang kalamidad sa bansa.

Ang pagtatatag ng ERD ay nakapaloob sa Senate Bill No. 1940 na pamumunuan ng isang Cabinet Secretary sa sandaling maging batas.

Ikinadismaya ni Cayetano ang hindi pagbibigay prayoridad ng administrasyon sa panukalang batas mula nang inihain ito noong Nobyembre 2013.

“Kailangan na ng matapang na solusyon at mabilis na aksyon para hindi maulit ang trahedya ng Yolanda at ng ibat iba pang mga bagyo’t sakuna. Hahayaan pa ba nating sirain ulit ng isa pang Yolanda ang buhay at kabuhayan ng mga kababayan natin bago tayo kumilos?” tanong ng senador

Ipinaliwanag pa ng senador na bagaman at mayroon ng National Disaster Risk and Reduction Management Council (NDRRMC), ito naman ay binubuo ng iba’t-ibang departamento na nagsasagawa rin ng iba pang trabaho at nagi­ging aktibo lamang tuwing may kalamidad o trahedya.

Bukod umano sa hindi maayos na sistema, maitutu­ring rin na bigo ang rehabilitation efforts ng gobyerno.

Kinumpirma sa 2014 report ng Commission on Audit (COA) na mahigit sa 1/3 ng P1.15-billion local at foreign cash donations para sa mga biktima ng Yolanda ay hindi pa rin nagagamit.

ACIRC

ANG

AYON

BUKOD

CABINET SECRETARY

CAYETANO

EMERGENCY RESPONSE DEPARTMENT

MAJORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

NATIONAL DISASTER RISK AND REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL

SENATE BILL NO

YOLANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with