^

Bansa

Honrado umamin sa pagpapabaya

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaamin na rin halos ni Manila International Airport Authority General Manager Jose Angel Honrado ang kanyang kapabayaan at kawalang-kakayahan nang sabihin niya sa telebisyon na hindi niya alam kung merong surveillance camera sa kuwartong pinagdadal­han sa mga pasaherong nahuhulihan ng kontrabando para kuwestiyunin.

Ito ang tinuran kahapon ni Davao City Congressman at House Labor Committee Chair Karlo Alexei Nograles na nagsabi pa na, bilang pangkalahatang administrador ng Ninoy Aquino International Airport, inaasahang merong ganap na kasanayan si Honrado sa mga pinangangasiwaan niyang mga pasilidad kabilang ang mahalagang impormasyon sa pinagkakabitan ng mga surveillance camera sa loob at labas ng pasilidad.

Ayon kay Nograles, dapat magpakalalake si Honrado na aminin ang pananagutan nito sa “laglag-bala” scandal dahil ito ang pangunahing responsable sa lahat ng nangyayari sa NAIA alinsunod sa Administrative Order 151 na nagpapatibay sa awtoridad ng MIAA sa lahat ng operasyon sa paliparan.

“Nagulat ako nang aminin niyang wala siyang alam kung merong surveillance camera sa interrogation room sa NAIA. Paanong mawawaglit sa kanya ang napakahalagang detalye ng mahalagang seksyon ng NAIA? Sa kuwartong ito gumagawa ng pangingikil ang mga taong nasa likod ng laglag bala racket!” sabi ni Nograles.

Tungkulin anya ng general manager ng MIAA na malaman ang lahat ng nangyayari sa loob at paligid ng mga paliparan sa bansa.

Pinaalala ni Nograles na nasa pangangalaga na ni Honrado ang NAIA nang tagurian itong worst airport sa buong mundo. Nasa pamumuno rin nito ang paliparan nang mapasama ang imahe nito sa mga aksidente bunga ng palpak na maintenance at substandard repair.

Ikinalungkot ni Nograles na naging usap-usapan na sa mundo ang isyu kaya nalikha ang isang laro sa mga android phone na tinatawag na “laglag-bala.” Layunin ng laro na tulungan ang mga biyahero na makaiwas sa masamang plano ng mga abusadong opisyal ng paliparan.

ACIRC

ADMINISTRATIVE ORDER

ANG

AYON

DAVAO CITY CONGRESSMAN

HONRADO

HOUSE LABOR COMMITTEE CHAIR KARLO ALEXEI NOGRALES

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY GENERAL MANAGER JOSE ANGEL HONRADO

MGA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NOGRALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with