MANILA, Philippines – Malaki ang tiwala ni Senator Cynthia Villar na magiging ganap na batas ang panukalang dagdag na P2,000 across-the-board increase sa retirement pay ng may 1.9 milyong Social Security System (SSS) pensioners.
Matapos pumasa sa ikalawang bagbasa ang panukala noong Miyerkules, inihayag ni Villar na maari itong lagdaan ni Pangulong Aquino bago matapos ang taon.
Ayon pa kay Villar, chair ng Committee on Government Corporations and Public Enterprises, maraming tawag ang natatanggap ng kanyang opisina na nagtatanong tungkol sa bill.
“Kailangang-kailangan na po ito ng mga kababayan nating retirado. It is a sad reality that majority of our retired workers rely solely on their monthly pension for their upkeep. We must also consider that many of them, given their old age, may even have maintenance medicines and special requirements that add to their daily living expenses,” sabi ni Villar.
Walang miyembro ng Senado ang nag-interpellate o nanghingi ng pagbabago o kumontra sa bersyong ipinasa ng House of Representatives.