MANILA, Philippines — Hindi makatutulong ang negatibong resulta ng DNA test upang maipanalo ni Sen. Grace Poe ang disqualification case laban sa kaniya, ayon sa abogado ng nagreklamong si Rizalito David ngayong Huwebes.
"Definite negative results will not help them. The findings in the DNA testing will have a negative impact in so far as her already precarious defenses are concerned," pahayag ng abogadong si Manuel Luna.
Sinabi ni Luna na maaaring maapektuhan ng resulta ng DNA test ang paghusga ng Senate Electoral Tribunal (SET) na dumirinig sa kasong isinampa ni David.
BASAHIN: Bongbong handang magpa-DNA test para kay Poe
Nais ni David na madiskwalipika si Poe bilang senador dahil hindi umano siya natural-born Filipino.
Sa kabila nito ay tatakbong pangulo si Poe sa 2016, ngunit ilang disqualification case na rin ang inihain sa Commission on Elections upang mapawalang bisa ang kaniyang certificate of candidacy.
"Article 7 is very clear, one of the qualifications of one aspiring for president is he or she must be a natural-born (citizen) and a resident of the Philippines," komento ni Luna.
BASAHIN: Mister ni Poe tatalikuran ang American citizenship
Sa pagdinig ng SET nitong nakaraang buwan ay sinabi ni Supreme Court senior Associate Justice Antonio Carpio, chair ng SET, na makatutulong ang DNA test upang mapatunayang natural-born si Poe.
"If you have a conclusive match that is a conclusive presumption, if you have a DNA match, that would solve all our problems here because you cannot argue against that anymore," banggit ni Carpio.
Sa kabila ng negatibong resulta ng DNA test ay kumpiyansa si Poe na maipapanalo niya nag kaso.
BASAHIN: DNA test ni Poe, negatibo