^

Bansa

Mar kinondena ang laglag bala

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinondena ni Daang Matuwid presidential candidate Mar Roxas ang umano’y sindikatong nambibiktima ng mga pasa­herong dumadaan sa Ninoy Aquino International Airport.

Tinawag niyang sakim at makasarili ang mga nambibiktima sa mga kapwa Pilipino. “Nabibiktima rito ang ating mga baya­ning OFW, pati na rin ang imahe ng ating bansa,” pahayag ni Roxas.

Nanawagan din si Ro­xas sa mga ahensiyang may pakialam sa sitwasyon sa ating mga paliparan. “Kasama ako ng buong sambayanang umaasa sa mabilis na pagresolba nito,” sabi niya. “Nakaperhiwisyo na iyan. Nagulat at napahiya ang ating mga OFW, turista, mamumuhunan at ordinaryong biyahero.  Maaaring tayo ay maging isa sa biktima.”

Hinikayat din ni Roxas ang publiko na maging mapagmasid habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa isyu.

Inulit ni Roxas na kailangan masigurong lahat ng dumadaan sa paliparan ay maging panatag na hindi sila mabibiktima ng mga masamang loob, kaya’t dapat maging agaran ang paggalaw ng pamahalaan dito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAANG MATUWID

HINIKAYAT

INULIT

KASAMA

KINONDENA

MAR ROXAS

MGA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with