MANILA, Philippines – Arestado ang isang basketbolista ng Ateneo Blue Eagles matapos ireklamo ng paglabag sa Republic Act 9262, o ang violence against women and their children.
Hinuli ng mga tauhan ng Quezon City Police District si Chibueze Ikeh sa loob ng Araneta Coliseum matapos nilang talunin ang UP Fighting Maroons, 74-65, at makuha ang Final Four slot.
Hanggang ngayong Huwebes ay nakakulong si Ikeh sa Camp Karingal at kinakailangang magbayad ng piyansang nagkakahalaga ng P24,000.
Ito na ang ikalawang insidenteng kinasangkutan ng manlalaro ng Ateneo ngayong UAAP Season 78.
Unang naharap sa kotrobersiya si John Apacible na kumalat ang video sa social media habang nagwawala sa kalsada.
Ipinagyayabang ni Apacible ang hawak niyang plaka na pang konsehal habang minumura ang nagre-record ng video.
Humingi ng ng tawad si Apacible sa insidente at sinuspinde naman siya ng Ateneo.