Balang anting-anting hindi bawal

MANILA, Philippines – Walang parusa ang pagdadala ng agimat na gawa sa basyo ng bala.

Ayon kay Senate Majority Leader Ralph Recto, sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013, ang “ammunition” o bala ay kumpletong bala na hindi pa naipuputok, may gunpowder, cartridge case at primer.

Sinabi ni Recto na ang anting-anting o fashion accessory na ginawa sa empty bullet ay maituturing na “legal item”.

Kung mayroon pang “cartridge” pero ginawa ng amulet o anting-anting o “fashion bling hindi na ito maituturing na bala at hindi ilegal ang pagsusuot nito.

“If, for example, two of four components are absent. Kung wala ng gunpower at primer, kahit buo pa tingnan sa labas, lalo na kung binutasan pa kasi ginawang key chain, the ammunition, obviously, has been rendered useless,” ani Recto.

Ang pinaparusahan lamang ay ang mga may dala ang kumpletong ammunition o live bullet.

Bagaman at nasa kapasyahan ng mga airlines at aviation authorities na i-ban ang pagdadala ng anting-anting ng mga pasahero na gawa sa empty cartridges mas makakabuti umanong kumpiskahin na lamang ang mga ito at itapon.

Show comments