Kita ng BDO umabot sa P17.6B sa 3Q2015

MANILA, Philippines – Nagtala ang BDO Unibank, Inc. (BDO) ng net income na umabot sa P17.6 bilyon sa unang siyam na buwan ng 2015, mas mataas sa P16.7 bilyon na naitala sa parehong period noong nakaraang taon.

Umarangkada ang lending operations ng BDO na nagtala ng 19 porsiyentong increase sa gross customer loans na umabot sa P1.2 trillion. Gaya ng lending operations, umangat rin ang total deposit ng bangko ng 12 percent na katumbas ng P1.6 trilyon, na pinangunahan naman ng 16 percent hike in low-cost deposits. Dahil dito, umakyat ang net interest income (NII) ng bangko ng 12 percent year-on-year na umabot sa P41.8 bilyon.

Kasama na sa 3Q results ang matagumpay na acquisition ng One Network Bank (ONB) na isinagawa noong Hulyo ngayong taon, kung kaya’t nagtala ito ng mahigit na P20 bilyon sa total loans and deposits ng bangko.

 

 

Show comments