Presyo sa LPG, gasolina tumaas

MANILA, Philippines – Nagpatupad ng taas presyo sa kanilang Liquefied Petroleum Gas (LPG) at produktong petrolyo ang ilang oil companies, kahapon at ngayong araw na ito.

Ito ay pinangunahan ng Petron Corporation, kung saan ang kanilang Fiesta Gas at Gasul ay tumaas ng P2.95 kada kilo na katumbas ng P32.45 kada tangke,   epektibo ito kahapon, alas-6:00 ng umaga.

Nagdagdag din ng pres­yo ang kanilang Xtend Auto LPG, na nasa P1.65 kada litro.

Bukod dito, nagpatupad din ang Petron ng dagdag presyo ng kanilang gasolina na nasa P0.10 kada litro ngayong araw na ito (Nobyembre 3) na epektibo alas-6:00 ng umaga.

Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene.

Ayon kay Raffy Ledesma ng Petron  Corporation, ang bagong pagtaas sa presyo ng LPG at auto LPG ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa world market.

Posibleng mag-anunsiyo na rin ang ilan pang oil companies ng dagdag presyo ng kanilang produkto na may kahalintulad na halaga.

 

Show comments