^

Bansa

Probe sa tanim-bala pinamamadali

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Valenzuela Rep. Win Gatchalian ang liderato ng Kamara na madaliin ang imbestigasyon sa mga kaso ng laglag-bala sa Ninoy Aquino International Airport alinsunod sa inihain niyang House Resolution No. 2419.

Ang panawagan ni Gatchalian ay kasunod ng pangamba nito na sa halip na magdiwang ng Pasko sa ibang bansa ang ilang Overseas Filipino Workers ay sa kulungan na lamang dahil sa umano’y sindikato ng laglag-bala sa NAIA.

Bukod dito, umabot na rin umano sa 5,000 katao ang lumagda sa Change.org petition sa panawagang magsagawa ng agarang imbestigasyon sa nasabing modus operandi na umano’y bumibiktima sa mga OFWs at mga dayuhan.

Sa House resolution 2419 na inihain ni Gatchalian, nababahala ito dahil sa mismong ang mga tauhan ng Office of Transportation Security ang nagdadala ng bala sa kanilang bulsa na umano’y isa rin paglabag sa seguridad ng paliparan.

Ang OTS ay direktang nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Transportation and Communications.

Giit pa ni Gatcha­lian, wala nang kredibilidad ang mga tauhan ng OTS kaya ito na ang ta­mang panahon para magsagawa ng top to bottom revamp si DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya Jr at magtalaga ng mga bagong tauhan na siyang manga­ngasiwa sa x-ray machines sa NAIA terminals.

ACIRC

ANG

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

GATCHALIAN

HOUSE RESOLUTION NO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OFFICE OF TRANSPORTATION SECURITY

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

SA HOUSE

SECRETARY JOSEPH EMILIO ABAYA JR

VALENZUELA REP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with