^

Bansa

Nobyembre 2 dapat ang holiday - Simbahan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling pinaalalahanan ng Simbahang Katolika ang publiko na ngayong Nobyembre 2 ang araw ng paggunita sa mga kaluluwa ng namayapang mahal sa buhay.

Ayon kay Fr. Francis Lucas, naging kaugalian na lamang na bisitahin ng mga Pilipino ang kanilang mga mahal sa buhay ng Nobyembre 1.

Aniya ang Nobyembre 1 ay para sa mga santo, kung saan kailangang magsimba at parangalan ang mga ito habang ang Nobyembre 2 ay araw na dapat nating ipagdasal ang mga maaaring nagdurusa pa sa purgatoryo o sinasabing may mga utang pa sa Panginoon na dapat magbayad bago makarating sa langit.

Para naman kay Cotabato Cardinal Orlando Quevedo, mas dapat na gawing holiday ang Nobyembre 2. Mali ang nakaugalian na Nobyembre 1 ang ginagawang non-working holiday. “I would think that the time to travel to the province would be November 1 and the actual honoring is November 2 and the time to return would be November 3,” ani Quevedo.

Giit naman ni Balanga Bishop Ruperto Santos na hindi dapat na gawing lugar ng  picnic ang  sementeryo at sa halip at pagkakataon na ipagdasal ang kaluluwa ng kanilang mga mahal sa buhay.

ANG

ANIYA

AYON

BALANGA BISHOP RUPERTO SANTOS

COTABATO CARDINAL ORLANDO QUEVEDO

FRANCIS LUCAS

GIIT

MGA

NBSP

NOBYEMBRE

SIMBAHANG KATOLIKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with