Mga bansa sa ASEAN, isa sa isyu ng West Philippine Sea - Tolentino

MANILA, Philippines – Kailangang magkaroon ng “multi-lateral approach” sa isyu ng West Philippine Sea sa pagsasama sa usapan sa mga bansa na kaanib ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Bilang nagtapos ng masteral degree sa Public International Law sa University of London, sinabi ni senatorial candidate Atty. Francis Tolentino na kaila­ngang maisama rin ang iba pang bansa sa ASEAN sa pagresolba sa agawan ng Pilipinas at Tsina sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito’y matapos magpalabas ng desisyon ang International Arbitral Tribunal sa Hague na pumapabor sa Pilipinas at ibinabasura naman ang ilang akusasyon ng Tsina. Dito kinuwestiyon ng Pilipinas ang pag-angkin ng Tsina sa mga teritoryong sakop ng kanilang “exclusive economic zone (EEZ)”.

Inihalimbawa ni Tolentino ang naganap sa Europa kung saan nag-aagawan ang ilang bansa sa likas na yaman na “steel at coal”. Sa pag-uusap ng anim na bansa sa Europa, nabuo ang European Community of Steel and Coal.

Hinamon rin ni Tolentino ang ibang kandidato sa 2016 Elections na pag-usapan ang isyu ng WPS at magkaroon dapat ang bawat isa ng paninindigan ukol dito. Dito makakapagbigay siya ng malaking kontribusyon dahil sa tinapos niyang degree sa Public International Law.

Show comments