^

Bansa

Kooperatiba ‘wag buwisan - Leni

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagtutol si Congresswoman Leni Robredo sa planong alisin ang tax exemption sa mga kooperatiba dahil makakapigil anya ito sa pag-unlad ng sektor at sa kapasidad nitong makatulong sa mga nangangailangang Pilipino.

“Dapat hadlangan ang anumang plano na alisin ang ibinibigay na tax exemption sa mga kooperatiba dahil malaki ang magiging epekto nito sa kanila,” wika ni Rob­redo sa kanyang talumpati sa harap ng 3,000 miyembro ng iba’t-ibang kooperatiba sa isang pagtitipon sa Iloilo City.

“Titiyakin nating hindi ito mangyayari,” dagdag pa ni Robredo na kandidatong bise presidente ng makaadministrasyong Liberal Party sa halalang pambansa sa susunod na taon.

Iginiit ni Robredo na, sa halip na tanggalin ang tax exemption na ibinibigay ng batas, dapat ibuhos ng pamahalaan ang lahat ng tulong sa mga kooperatiba para mas marami silang matulungan na nangangaila­ngang Pilipino.

Ginawa ni Robredo, na nagtrabaho dati bilang abogado para sa mahihirap na komunidad, ang pahayag sa harap ng pangamba ng mga kooperatiba na aalisin ang tax exemption na ibinibigay ng Cooperative Code of the Philippines sa panukalang Fiscal Incentives Rationalization Law.

Tutol ang Philippine Cooperative Center sa pagpapawalambisa sa Articles 60 at 61 ng Cooperative Code of the Philippines o Republic Act 9520 sa layuning alisin ang tax exemption ng mga kooperatiba sa bansa.

Binibigyan ng Republic Act 9520 ang mga kooperatiba na may asset na hindi lalampas ng P10 milyon ng exemption sa lahat ng national, city, municipal o barangay taxes.

Hindi rin saklaw ang mga kooperatiba sa customs duties, advance sales o compensation taxes sa kanilang pag-aangkat ng makinarya, gamit at spare parts na kanilang ginagamit.

ACIRC

ANG

CONGRESSWOMAN LENI ROBREDO

COOPERATIVE CODE OF THE PHILIPPINES

FISCAL INCENTIVES RATIONALIZATION LAW

ILOILO CITY

KOOPERATIBA

LIBERAL PARTY

MGA

REPUBLIC ACT

ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with