^

Bansa

‘Notice of strike’ tinabla ng PAL workers

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mariing kinontra ng active workers ng Philippine Airlines (PAL) ang ‘notice of strike’ na inihain ng mga umano’y nagpapanggap na union officials ng PAL Emplo­yees Association o PALEA.

Sa isang manifestation sa National Conciliation and Mediation Board (NCMB), tinutulan ng mga lehitimong manggagawa ng PAL ang bantang welga ng grupo ni dating PALEA president Gerardo “Gerry” Rivera.

Ayon kina Renato Ebio, Danilo Hermoso, Mercedes Ines, Teodoro Jordan at Arnel Mangalindan na pawang empleyado PAL at mi­yembro ng PALEA, wala umanong karapatan ang grupo ni Rivera na katawanin ang kanilang unyon at maghain ng ‘notice of strike’ dahil hindi na sila empleyado ng naturang airline.

Maliban sa isang Eugene Soriano, ang lahat umano ng naka-puwesto mula president, vice-president, secretary at auditor ng PALEA ay pawang wala na sa pwesto matapos ang outsourcing program ng kumpanya noong 2011. At dahil sila’y hindi na empleyado ng PAL, nawala na rin ang kanilang status bilang miyembro ng unyon, batay na rin sa sariling by-laws ng PALEA, dagdag pa grupo.

Kasalukuyang ina­apela ni Rivera at 11 kasamahan niya ang desisyon ng Bureau of Labor Relations (BLR) kamakailan na nagpawalang-bisa sa kanilang eleksyon bilang mga opisyal ng PALEA. Ayon sa BLR, isang sa­ngay ng Department of Labor and Employment, si Rivera at mga kasama nito ay hindi na mga empleyado ng PAL nang sila ay lumahok at mahalal bilang opis­yal ng unyon.

ACIRC

ANG

ARNEL MANGALINDAN

AYON

BUREAU OF LABOR RELATIONS

DANILO HERMOSO

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

EUGENE SORIANO

MERCEDES INES

NATIONAL CONCILIATION AND MEDIATION BOARD

RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with