18,000 pulis ikakalat ngayon
MANILA, Philippines – Ipakakalat na ngayong araw (Nobyembre 1) ang 18,000 pulis kaugnay ng inaasahang pagdags ng milyong katao sa iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila sa paggunita sa Undas.
Pinangunahan kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Ricardo Marquez, National Capital Region Police Office (NCRPO) at iba pang mga opisyal ang pag-iinspeksyon sa ilang mga sementeryo at mga terminal.
Kabilang sa binisita nina Marquez ang Manila South Cemetery, Ayala MRT Station, Manila North Harbor passenger terminal, NAIA 3, Victory Bus Liner terminal at Araneta Bus Terminal sa Cubao.
Bukod sa mga pulis ay nasa 4,00 sundalo ang idedeploy partikular na sa mga chokepoints at checkpoints sa Metro Manila.
Sinabi ni NCRPO spokesman Chief Inspector Kimberly Molitas Gonzales, na aabot sa 98,702 katao ang dumagsa sa mga pampublikong terminal at sementeryo na patuloy na nadaragdagan na inaasahang bubuhos ngayong araw.
Nakasamsam naman ng 64 patalim, 102 gardening tools at 6 alak ang mga operatiba na nakadeploy sa mga sementeryo.
Una nang nagtaas ng full alert status noong Oktubre 29 ang NCRPO bilang bahagi ng pagpapatupad ng seguridad sa Undas.
Kaugnay nito, 37,000 pulis ang kabuuang ipakakalat sa buong bahagi ng bansa upang tiyakin ang seguridad sa paggunita sa Araw ng mga Kaluluwa.
- Latest