MANILA, Philippines – Iginiit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na isama na ang haze sa disaster plan ng pamahalaan.
Ito’y ayon kay DENR Secretary Ramon Paje dahil sa malawakang epekto nito na maaaring idulot sa kapaligiran at sa mamamayan.
“Maigsi ang paraan dito, paggising mo andiyan na yan kayat hindi puwedeng datnan tayo nito,” pahayag ni Paje.
Sinasabing maaaring manumbalik ang haze sa ating bansa mula Indonesia oras na may dumating na bagyo sa Pilipinas at hindi pa napapatay ang sunog sa Indonesia.
Kaugnay nito, patuloy nang pinag-aaralan ng Environmental Management Bureau ng DENR ang tumataas na pollutant sa ating bansa dulot ng El Niño.
Una na namang niliwanag ng Pagasa na walang haze sa Metro Manila dahil ang namamataang usok dito ay bunga lamang ng matinding polusyon.
Una nang napaulat na nagkaroon ng haze sa Davao na epekto ng haze sa Indonesia.