MANILA, Philippines — Nabahala ang apat na senador sa panibagong isyu ng “tanim bala” sa Nino Aquino International Airport.
Isang babaeng 13 taon nang overseas Filipino worker na palabas ng bansa upang bumalik sa kaniyang trabaho ang inaresto ng mga awtoridad sa paliparan matapos makitaan ng bala sa kaniyang bagahe.
Ikinagulat ni Sen. Cynthia Villar ang pagkadakip sa 56-anyos na si Gloria Ortinez na sa tingin niya ay inosente.
“Kapag yaya ka ba, makikialam ka sa bala? I think wala sa profile niya, nagugulat lang ako. Kawawa naman siya kasi babae, hindi naman siya OFW na inconsistent," pahayag ni Villar said.
Ikinabahala din ni Villar na baka mawalan ng trabaho si Ortinez dahil sa insidente.
Nagtataka naman si Sen. Nancy Binay kung bakit patuloy pa rin itong nangyayari.
"Nakakabahala na hindi tumiitigil ang patuloy na pananamatala sa mga turista, sa ating mga balikbayan, at lalong-lalo na sa ating mga OFWs," wika ni Binay.
"These incidents have been reported to our authorities before as far back as 2005 but why are these abuses still happening?"
Samantala, malaking abala ito para kay Ortinez para naman kay Sen. Bongbong Marcos dahil kailangan pa niyang depensahan ang sarili sa korte.
"She now bears the additional burden of having to defend herself in court and the possibility of spending time in jail. This means she is still on the losing end even if she is eventually cleared of the charges against her," banggit ni Marcos.
"We call our OFWs our modern heroes and this is what they get in return?"
Hinimok naman ni Sen. Ralph Recto ang gobyerno na hulihin ang totoong kriminal at hindi ang mga inosenteng Pilipino.
“One hundred forty five people get robbed every day, 451 people are victimized by thieves every day, 28 women get raped every day, and 27 are killed every day. And the only 'criminal' they can parade on TV is a hapless OFW who's been caught with one bullet whose provenance was later doubted by Justice department prosecutors?" sabi ni Recto
“Ang malaking problema ay hindi ang paisa-isang paglabas ng bala, pero ang pag-smuggle ng libo-libong baril.”