MANILA, Philippines – Pormal ng ipinakilala kahapon ng tambalang Poe-Escudero ang 12 nilang kandidato sa pagka-senador sa 2016 sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan.
Si Cebu Rep. Ace Durano na tumatayong campaign manager ng team “Partido Galing at Puso” nina Poe at Escudero ang nagpakilala sa 12 senatorial candidates kabilang sina Sen. Ralph Recto; Sen. Tito Sotto; dating Senador Richard Gordon; dating senador Juan Miguel Zubiri; Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian; Manila Vice Mayor Isko Moreno; Pasig Rep. Roman Romulo; Susan “Toots” Ople; ACT-CIS partylist Rep. Samuel Pagdilao; Bayan Muna Rep. Neri Colmenares; Lawyer Lorna Kapunan at aktor na si Edu Manzano.
Sa panayam kay Poe, sinabi nito na hindi nila pagbabawalan ang kanilang mga kandidato na dumalo o umakyat sa entablado ng ibang presidential candidates.