Tour of duty rules ng PNP giit ipatupad

PNP Chief Ricardo Marquez. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Iginiit ng concerned citizens group sa Guimaras province kay PNP Chief Ricardo Marquez na matinding ipatupad ang tour of duty provisions ng mga PNP key personnel.

Sa isang press conference sa QC, inihalimbawa ng Guimaras Concerned Citizens Group (GCCG) sa pangunguna ni Atty. Humabon Felixberto ang kaso ni Sr. Supt. Ricardo de la Paz, Guimaras Provincial Commander na nananatili sa posisyon kahit may dalawang taong tour of duty sa lalawigan.

Anila, si de la Paz ay naitala sa naturang lalawigan noong July 1, 2013. Sa ilalim umano ng kautusan ng noo’y PNP Chief Alan Purisima noong January 2013, lahat ng PNP key personnel na nakumpleto ang dalawang taong tour of duty ay kailangang maitalaga sa ibang lugar.

Ayon sa GCCG ang wholesome image ng lalawigan noon ay napalitan na ng hindi maayos na peace and order condition, lumaganap ang illegal drugs, drug addiction at illegal gambling.

Sa statistics anila, ang lalawigan ay number 2 sa Region 6 sa kaso ng illegal drug activities at paglaganap ng shabu. Kahit anila palagiang may operasyon doon ang PDEA laban sa illegal drug activities ay hindi pa rin napipilay ang paglaganap ng mga pushers at ushers sa lalawigan.

Binigyang diin ni Atty. Felixberto na ang patuloy na pananatili ni de la Paz sa lalawigan kahit tapos na ang tour of duty nito ay posibleng magamit umano ng mga politiko sa nalalapit na halalan sa May 2016.

Show comments