^

Bansa

10 taon hatol sa ex-Nueva Ecija mayor

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinatulan kahapon ng Sandiganbayan na makulong ng 10 taon si da­ting Pantabangan, Nueva Ecija Mayor Lucio Uera matapos mapatunayang guilty sa kasong graft dahil sa conflict of interest.

Si Uera ay nagkasala sa Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) nang aprubahan ang isang kontrata para sa isang maintenance firm na ang kanyang asawa ay incorporator nito.

Bukod sa kulong, pinagbabawalan na rin ng batas na makaupo sa anumang posisyon sa gobyerno si Uera.

Sinasabing noong March 2002, lumagda sa isang service contract si Uera sa pagitan ng Priva Power and Allied Services (Priva) para sa pangangasiwa ng  Pantabangan Municipal Electric System. Bunga nito, nagbayad si Priva ng P1.11 milyon bilang maintenance at operation expense payments.

Ayon sa prosekusyon, nakinabang si Uera sa naturang kontrata dahil ang kanyang asawa ay isang incorporator, stockholder at director ng Priva na sinertipikahan ng  Securities and Exchange Commission (SEC).

Ayon pa sa Sandiganbayan, ginamit ni Uera ang kanyang opisina para sa pagsasagawa ng kasunduan sa Priva.

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

AYON

MUNICIPAL ELECTRIC SYSTEM

NUEVA ECIJA MAYOR LUCIO UERA

PANTABANGAN

PRIVA

PRIVA POWER AND ALLIED SERVICES

REPUBLIC ACT NO

SANDIGANBAYAN

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

UERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with