Leni: May sarili rin akong kakayahan at nagawa

 Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo. Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines – Sagot ito ni Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo sa mga batikos na sumasakay lang siya sa kasikatan ng yumaong asawa na si Interior Secretary Jesse Robredo.

“To a certain extent, totoo naman pero palagay ko ang challenge sa amin, mapatunayan na hindi lang iyon ang aming pinanghahawakan,” wika ni Camarines Sur Rep. Leni.

Ayon kay Leni, mayroon siyang sariling mga nagawa bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur.

Bago naging mambabatas, si Robredo ay nagtrabaho bilang abogado ng Public Attorney’s Office kung saan nagbigay siya ng libreng tulong legal sa mahihirap.

Naging bahagi rin si Robredo ng Sandigan, isang non-government organization na nagbibigay ng tulong legal sa iba’t ibang mahihirap na sektor.

Itinatag ni Robredo ang Lakas ng Kababaihan ng Naga, isang NGO na nakatutok sa karapatan at kapakanan ng kababaihan.

Bilang mambabatas, nakapaghain si Robredo ng mahigit isandaang panukalang batas, kabilang ang Freedom of Information (FOI) Bill at ang niratipikahang Tax Incentives Management and Transparency Act Bill.

Show comments