MANILA, Philippines – Mas dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang umaabot sa 1.9 milyong loose guns o hindi mga lisensiyadong baril sa bansa kaysa sa sinasabing ‘pagtatanim ng bala’ sa mga bag ng OFWs.
Ayon kay Sen. Ralph Recto, base sa isang pag-aaral nasa 1.9 milyon na ang hindi lisensiyadong baril sa Pilipinas na nagagamit ang ilan sa paggawa ng krimen.
Anya, ang malaking problema ng gobyerno ay hindi ang paisa-isang paglabas ng bala kung hindi ang pag-smuggle ng libo-libong baril.
Ang dapat aniya ay hulihin ang mga tunay na kriminal lalo pa’t 145 katao ang naho-holdap kada araw, 451 katao ang nabibiktima ng magnanakaw at 28 babae ang nari-rape bukod pa sa 27 katao ang napapatay araw-araw.