Indonesia tulungan, ‘wag kastiguhin sa haze – PNoy

MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Benigno Aquino III sa Southeast Asian Nations (ASEAN) na tulungan ang Indonesia imbis na sisihin sa pagkalat ng haze dulot ng forest fires.

"Instead of castigating an ASEAN brother country, perhaps in the ASEAN Summit, we should really look for the wherewithal, the direction, the attitude—attitudinal change whereby we can help Indonesia avoid creating this problem," wika ni Aquino sa Foreign Correspondents Association of the Philippines presidential forum.

"That, I think, is the most constructive activity that we should be undertaking rather than, you know, concentrating on apportioning blame," dagdag niya.

Sa tindi ng forest fires ay umabot na sa Pilipinas ang epekto nito, ang haze.

Unang umabot ang haze sa Visayas at Mindanao, habang nakararanas na rin ng light haze ang Metro Manila ayon sa PAGASA.

Samantala, nais naman ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel na pagbayarin ang Indonesia sa mga bansang naapektuhan ng Haze.

Bukod sa Pilipinas ay umabot na rin ang haze sa Singapore, Malaysia at Thailand.

Hiniling naman ni Davao City Rep. Isidro Ungab sa gobyerno na magsagawa na ng cloud seeding para umulan na sa kanilang lalawigan at mawala na ang haze.

Naniniwala si Ungab tanging ulan ang makakapigil sa pagkalat ng haze na bumabalot ngayon sa buong Davao City.

 

Show comments