MANILA, Philippines – Nakahanda si Pangulong Aquino na tumulong sa sinumang susunod na pangulo ng bansa kahit hindi ito ang kanyang manok na si Liberal Party standard bearer Mar Roxas.
Sinabi ng Pangulo sa FOCAP forum kahapon, bilang elder statesman sa susunod na pangulo ng bansa, ay tutularan niya ang ginawa ng kanyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino na hindi pangungunahan ang nakaupong pangulo bagkus ay hihintayin lamang niya na hingan siya ng opinion o payo.
“I will adopt President Cory’s policy of not imposing, giving unsolicited advise,” dagdag pa ni PNoy.
“But I am willing to help if the next president, even if his successor is not his anointed one, will ask for my help or opinion,” wika niya.
Aniya, hindi niya tutularan ang ginawa ng kanyang predecessor na si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na tumakbong kongresista matapos ang termino nito.
“I cannot run in 2016 and I have no plans yet for 2019,” giit pa ni PNoy.