Mahigpit na seguridad, ipapatupad sa NAIA

Uumpisahan ngayong araw ang ‘Oplan Undas’ sa apat na terminals ng airport kaugnay nga ng mga pasaherong mag-uuwian sa kanilang mga lalawigan para dumalaw sa mga mahal nila sa buhay bilang paggunita sa Araw ng mga Patay. File photo

MANILA, Philippines – Mahigpit na seguridad ang ipapatupad ng mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Group at ng mga MIAA airport police sa apat na terminals ng Ninoy Aquino International Airport sa pagdagsa ng mga umaalis at dumarating ng mga pasahero galing sa iba’t - ibang probinsiya at panig ng mundo.

Ayon sa ulat, uumpisahan ngayong araw ang ‘Oplan Undas’ sa apat na terminals ng airport kaugnay nga ng mga pasaherong mag-uuwian sa kanilang mga lalawigan para dumalaw sa mga mahal nila sa buhay bilang paggunita sa Araw ng mga Patay.

Inaasahang dadagsain ang mga paliparan sa NAIA kaya naisip ng mga awtoridad dito na doblehin ang kanilang manpower para makatulong ng malaki at maserbisyuhan ng maayos ang riding public.

Pinaalalahanan ang mga pasahero na agahan ang pagpunta at pag-check in sa mga airline counters sa NAIA para hindi magka-aberya.

Show comments