MANILA, Philippines – Mariing tinutulan ni House Committee on Metro Manila Development at Quezon City Rep. Winston Castelo ang kanselasyon ng lahat ng flight sa mga araw ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Nobyembre.
Sinabi ni Castelo na ang planong kanselasyon ng mga flights mula November 18-22 ay maaaring magdulot ng economic slowdown dahil sa epekto ng paghinto ng tao, goods at services sa bansa.
Maging ang paglilipat di umano ng alinmang flights sa Clark airport sa Angeles City na may 70 kilometro ang layo mula sa Maynila.
Ang reaksyon ng kongresista ay bunsod sa naunang pahayag ng malalaking international at local airlines na kanselasyon ng kanilang flight sa Ninoy Aquino International Airport sa apat na araw na Apec summit.
Ito ay dahil sa gagamitin umano ng mga paparating na dayuhang delegado at dignitaries, political at economic leader na dadalo sa summit sa Maynila at Iloilo City ang nasabing paliparan.
Giit ni Castelo, kahit subok lamang ang gagawing kanselasyon ay hindi dapat, sapagkat ito ay magdudulot ng inconvenience sa mga pasahero bukod pa sa siguradong ikalulugi ito ng gobyerno.
Kaya panawagan ng mambabatas, sa mga otoridad ay umisip ng ibang paraan upang maiwasan ang mga kanselasyon ng flights.